Sa mga panahong lumipas ito ang aking mga natunan
sa Filipino 1 mula sa yunit 1 hanggang sa yunit 3. At ito ang nilalaman
sa blog na ito
Ang Wika,
Komunikasyon, at Wikang Pamabansa ay isa itong sistema ng mga sagisag na
binubuo ng mga tunog o di kayay mga pasulat na letra na inugnay natin sa mga
kahulugang nais nating ibatid sa ibang tao. Ito ay may daluyan ng
pagpapakahulugan, ito ay ang tunog, simbolo, kodipikadong pasulat, galaw at
kilos. Ang wika ay gamit sa talastasan , lumilinang sa pagkatuto, saksi sa
panlipunang kilos, lalagyan o imbakan, tagapasiwalat ng damdamin at gamit sa
imahinatibong paraa. Ang wika ay nahahati sa dalawang kategorya itoo ang pormal
at di-pormal, ang pormal ay madalas ginagamit sa paaralan at opisina
samantalang ang di-pormal ay madalas ginagamit sa pang araw-araw na
pakikipagtalastasan. At ito ay may tatlong antas (panlalawigan, wikang balbal,
at wikang kolokyal)
Bigla ka
nalang mapapaisip na, Paano kapag walang wika? Paano makikipag komunikasyon sa
iba’t ibang tao? Paano tayo mag-kakaisa? Paano magkaintindihan sa isa’t –isa?.
Ano nga ba ang komunikasyon? Ito ay ang pagpapahayag,paghahatid, o pagbibigay
ng impormasyon sa mabisang paraan. Natutunan ko sa araling ito ay makikita at
mabibigyan mo ng kahalagahan ang ating wika at komunikasyon sa ating buhay at
maihahango ko ito sa totoong buhay. Ito ang dahilan ng ating pagkakaisa, pag uunawa
at ito ang dahilan sa pakikipag ugnayan sa ibang bansa sa halip ng may
iba’t-ibang wika sinasakop ang ating bansa. Dahil hindi ganito ang pilipinas
ung walang kominikasyon na nangyayari.
Sa bahagi ng
Unang wika, Bilingguwalismo, at Multilingguwalismo sa Konstekstong Pilipino ang
natutunan ko dito ay kung gaano kahalaga ang pambansang wika, ditto nalalaman
kung kalian pinalitan ang ating wikang pambansa, nalaman ko kung ano ang ibig
sabihin ng Bilingguwalismo (tumutukoy sa kakayahan ng isang tao o
indibidwal na makaunawa at makapagsalita
ng dalawang wika) at ang Multilingguwalismo (tumutukoy sa kakayahan ng isang
tao o indibidwal na makaunawa at
makapagsalita ng higit sa dalawang wika)
Ang
Lingguwistikong Komunidad at Uri ng Wika, natutunan ko ang mga kahulugan at
kabuluhan ng mga konseptong pang wika at ito ay maiuugyan sa sariling kaalaman,
pananaw, at mga karanasan. Nauunawaan ko rin an gang pag iral ng
lingguwistikong komunidad at multicultural na komunidad. Ang mga konsepto ng
sosyolek, idyolek, diyalekto, at rehistro. At ibabahagi ko rito sa isa mga natutunan ko, ang Idyolek
kung saan natatangit espesikong paraan ng ng pagsasalita ng isang tao. Ito’2
naging marka upag makikilala mo ka agad ang isang tao. Ang halimbawa nito ay si
Kris Aquino, makikilala mo ka agad kung sino ang nagsasalita kapag narinig mo
ang kanyang boses kahit hindi mo pa ito pinapanood.
Sa huling
bahagi ng yunit 3 ay ang Kasaysayan ng Wikang Pambansa at ang Filipino bilang
Wikang Global, natutunan ko sa bahagi nito ay kung ano ang pinagdaanang
pangyayari tungo sa pagkabuo at pagunlad ng wikang pambansa. Ang wika ay siyang
nagbibigay ng buhay sa isang lipunang ginagalawan. Mahalaga ang wika sa ating
sarili sa kapwa, at sa lipunan Nagagawa ng wika na mapaunlad ang sarili sa
pamamagitan ng pagtatamo ng kaalaman mula sa paligid, mapapatatag nito ang
relasyong sosyal sa ating kapwa at makakabuo ng isang kolektibong karanasan na
may pagkakakilanlan. Ang wika ay maituturig na tagapag-ugnay g ga tao na
bumubuo ng isang tiyak na lipunan. Mula sa katutubong palatitikan ng mga
sinaunang Pilipino bilang midyum na komuasyon, ang wika ay nagging instrument
rin ng komunikasyon, pagpapalabas ng damdamin, makabayan, paglikha ng identidad
ng bansa, pagpapalaganap ng edukasyon, pagpaksa ng umiiral ng kapangyarihang
politikal, at pagsulong ng modernisasyon. Bilang tugon sa mga pagbabagong bunso
ng panahon at pangangailagan ng mga gumagamit nito. Patuloy paring humaharap sa
niba’t-ibang hamon an gating wika gaya na lamang ng bilingguwalismo,
estandardisasyon, intelekluwalisasyon, at multilingguwalismo. Sa kasaysayan ng
ating wikang pambansa natutunan ko kung ano ang mga katutubong paraan ng pagsulat
na ginagamit ng mga katutubong Pilipino noong unang panahon at kung ano ang mga
pinagdaanan ng pagkakabuo n gating wikang pambansa. Natutunan ko na maging
matapang na ipaglaban an gating bansa, ang mga karapatan ng Pilipino,
laung-lalo na an gating wikang pambansa.
Pumunta naman tayo sa yunit 2 kung saan binubuo ito ng limag
aralin
Sa unanag aralin
natalakay ang regulatoryo dito ko
natutunan kung paano gumawa ng malikhain na paggawa ng kanta, tula, o simpleng
matatamis na pagsusulat at natutunan ko rin kung paano gamitin ang iba’t-ibang
layunin sa instrumento. Dito ko natutunan kung paano makipag-ugnay sa iba’t-ibang
kapwa at kung paano nahihikayat ang mga tao. Matatagpuan mo dito kung paano
maipahiwatig o maipapahayag ang saloobi ng isang indibidwal. May tatlong uri ng
bigkas-pagganap. Una ang Lokusyunaryo kung saan dito naisasagawa ito hindi sa pamamagitan ng kilos kundi sa halip ay pagsasalita, pagbabanggit o paggawa ng mga tunog sa pamamagitan ng bibig. Pangalawa, ang Illokusyunaryo kung saan ditto na
natanggap ng tagapagtanggap ang mensahe mula sa tagapagpadala. At pangatlo, ang
Perlokusyunaaryo dito na naisasagawa ang kilos.
Ang pangalawang aralin ay ang Regulatoryo, ito ay nagsasaad ng batas, nag-uutos, o nagbibigay direksyon. Ito ay maaring nakalimbag sa kasultan o nakikita lamang. Ito ay binubuo ng tatlong klasipikasyon ang berbal, biswal, at ang di nasusulat. Ang mga nilalaman nito ay mga patakaran o batas na berbal o bisawal. At mga patakaran na naimana lamang sa ating mga ninuno na ating natutunan sa ating pang araw-araw na buhay.
Dumako naman tayo sa ikatlong aralin kung saan dito ko natutunan ang paksa tungkol sa Interaksiyonal. Dito ko natutunan kung paano makipaghalibo sa ibang tao upang makagawa ng interaksiyon sa bawat isa. Naipapakita dito ang kahalagan sa pakikipag-ugnayan dahil dito mo mararanasan ang pakikipagkaibigan sa iba't-iabng salik sa mundo. Maipapahayag mo ang iyong saloobin sa paggamit nito. Sa pamamaraang ito naganap ang komunikasyon bilang susi ng interaksiyon. Sa pagkakaroon nito maari kaayo ay magkakaron ng mas matibay na pagsasamahan. At iilan sa mga ito ay halimbawa ng interaksiyon: Email, Group chat, Forum, Online store, at Sociosite.
Ang pang-apat na aralin ay ang Personal natutunan ay iyong pagkatao na panloono panlabas nanag isang tao, paglikha ng sariling video, pag-iisip, o damdamin ng mga tao, pagunawa sa mga taong nakapaligid sa iyo, mga sanaysay na nakasaulat na karanasan ng isang tao, at pagsasanaysay na naglalahad ng opinyon, kaisipan, reaksiyon, at saloobin ng mga tao o sa personalidad sa sarili mo. Iilan lamang ito sa mga halimbawa ang biograpiya, awtobiograpiya, alaala, sanaysay, at blog.
Sa panglimang paksa naman ay ang Imahinatibo dito nagagamit ang iyong imahinasyon sa mga bagay na iyong napag-isipan at nag reresulta ng malikhaing pag iisip. Maaring ito ay pantasya, nobela, tula, sanaysay, at alamat. Dito natin matutunan ang pagiging malikhain sa pagsulat, nakakabigay aliw kapag ikaw ay nababagot maari mo itong magagamit sa iyong pang araw-araw na gawa. Maari ring matatalis ang iyong kaalaman sa ganitong pamamaraan. Halimbawa nito ang alamat, mito, pantasya, sensiyang piksyon.
Ang Heuristiko at Representatibo ay tungkulin ng wika. Ang heuristiko ang pagtanong at pagsagot, pag-iimbestiga, pag-eeksperimento kung tama ba o mali. Ang representatibo ay nagpapaliwanag ng datos, impormasyon, at kaalamang ating natutunan o natukalasan at kung nais natin iulat ang mga ito sa publiko o kahit kanino. May apat na yugto tungo sa maugnaying pag-iisip dito ko natutunan na mahalagang mahasa at mapaunlad ang pag-iisip upang ito'y matagumpayan. Ibabahagi ko sa inyo ang isa sa akong natutunan sa aralin na ito ay ang paggamit ng sintidong kumon ay ang pinakakaraniwang paraan ng pag-iisip at pangngatwiran.
At sa huling bahagi ang yunit 3, tinalakay natin ang aralin 1 at 2
Ang aralin 1 sa yunit 3 ay ang Wikang Filipino at Mass Media. Ang massmedia ay kininkilala bilang pinakaimpluwensiyal at masasabi ring pinakapangyarihan na institusyon sa ating lipunan. Ito ay tinuturong pang-masa dahil ito ay karaniwang ginagamit ng mga sinaunang tao at dahil narin sa kanyang pang masa na presyo. Ang media naman ay isang institusyong panlipunan tulag ng pamilya,
paaralan, simbahan, at pamahalaan. Ito ay malaking industriya kasama sa pahayagan, radyo, at telibisyon. Sa paraang ito dito rin sila kumikita ng pera sa pamamagitan ng paglagay ng advertisement. Sa araling ito may iba't-ibang uri ng palabas. Ito ang tanghalan/teatro, pelikula, telibisyon, at youtube.
At sa bahagi na ito ay ang huling aralin, ang Wikang Filipino, Internet, at Social Media may iba't-ibang uri ng application o mobile app na ginagamitan ng internet kabilang na dito ang facbook, yahoo, twitter, youtube, at tumblr. Ito ang mga pinag-uusapan sa internet, isang global na pangyayari ng malawakang paglaganap ng Internet. Ang salitang Internet ay mula sa dalawang pinagsamang salita na inter at networking. Sa paraang ito nagagawa nating kumaha ng iba't-ibang impormasyon galing sa ibang kaalaman at maari ring makadagdag ito sa ating kaalaman. Bilang iisang mag aaral ito ay importante dahil kadalasan sa mga takdang aralin o research ay dito natin matatagpuan o dito tayo mabibigyan ng sagot.