Sa bawat tao sa mundo
May isa akong gusto
Kahit alam ko kalian may hindi ako igugusto
At hindi gagawing mundo
Ang mundong aking ginagalawan
May isang tao akong nagugustuhan
Hindi dahil sa kanyang kagwapohan
Kundi sa taglay niyang kabutihan
Pag-iisip ko sa kanya ay hindi ko maiwasan
Mga pantasya na baka kami ay magkatuluyan
Ngunit sa halip ng aking pag-iisip
May iba din siyang iinibig
Ikaw ang gusto ko
Ngunit iba ang laman ng iyong puso
Titigil nalang sa pagpapatansya
Kahit sa iba kana masaya
AKING TIBAY AT LIGAYA
Ako ay lumigaya,
dahil sa aking pamilya.
Nagsisilbing kuhanan ng lakas
upang maiahon ang aming bukas.
Pamilya kong masaya
Wala nang ipapalit pa
Dumaan man sa kahirapan
Ngunit patuloy parinng lumalaban
Sa ating kahirapan,
Problema ay hindi maiwasan.
Sa ganitong paraan,
Tumitibay ang ating samahan
Iaahon ko sa kayo sa kahirapan,
Kahit maraming pagdadaanan.
Hanggagng sa huling segundo,
Lalaban ako hanggang dulo.
No comments:
Post a Comment